Pulis na nagbabasa lang ng dyaryo sa tapat ng simbahan, patay matapos pagbabarilin

Sampaloc, Maynila – Patay ang pulis matapos barilin ng mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo sa tapat ng simbahan sa Sampaloc, Maynila.

Nagbabasa ng dyaryo si PO2 Joselito Imperial sa tapat ng kanyang bahay na nasa harapan ng Holy Trinity Parish sa barangay 539 nang makailang ulit siyang paputukan ng mga suspek.

Agad na isinugod sa United Doctors Medical Hospital ang biktima pero namatay din habang ginagamot ng mga doctor dahil sa tama ng bala sa dibdib, tiyan, at mga braso.


Napag-alaman na kakalipat lamang ni Imperial sa National Capital Region Police Office mula sa Manila Police District.

Facebook Comments