Palasyo, nanindigang hindi low quality ang Sinovac vaccines

Hindi maituturing na low quality o mababang kalidad ang COVID-19 vaccines ng Chinese pharmaceutical company na Sinovac.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang mabigyan ng Emergency Use Authorization ang Sinovac upang magamit ang kanilang bakuna sa Pilipinas.

Pero hindi ito rekumendadong iturok sa mga medical health workers gayundin sa mga senior citizens base na rin sa pag-aaral ng mga eksperto.


Sa kabila nito, sinabi ni Roque na pumasa ang Sinovac sa 50% standard efficacy ng World Health Organization.

Ibig sabihin, sa oras aniya na mabakunahan ang isang indibidwal ng Sinovac ay mayroong 50% efficacy rate, 50% lamang ang tyansa na tatamaan pa rin sila ng virus.

Sa oras aniya na tamaan ng virus ang indibidwal na tinurukan na nito ay makaakaranas lamang ito ng mild na sintomas o asymptomatic, at hindi na kailangan pang magpunta sa ospital.

100% din aniya ang assurance na hindi ito tatamaan ng severe case ng COVID-19 at walang pangambang babawian ito ng buhay.

Facebook Comments