Palasyo, nanindigang inaral nang mabuti ng mga ekpersto ang nakatakdang pagluluwag ng restrictions sa Metro Manila

Tiniyak ng Palasyo ng Makanyang na dumaan sa ebalwasyon at pag-aaral ng mga eksperto bago payagan ang iba pang mga establisyemento na makabalik operasyon sa ilalim ng Alert Level 3 sa Metro Manila partikular na ang mga sinehan.

Paglilinaw ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kasunod ng pagkwestyon ni Dr. Tony Leachon sa hakbang na ito ng pamahalaan.

Ayon kay Roque, ang pagbubukas ng mga sinehan ay para lamang sa mga fully vaccinated na mga indibidwal.


Ikalawa, hanggang 30% lamang ng venue capacity ang papayagan.

Ibig sabihin, hindi magkakatabi ang pwesto ng mga movie goer.

Ikatlo, mayroon pa aniyang guidelines na itinatakda ang Department of Health (DOH) na dapat sundin ng mga sinehan.

Kabilang na rito ang pagkakaroon ng maayos na bentilasyon at paggamit ng air purifier system.

Giit pa nito, ngayong halos 80% na ng target population ng Metro Manila ang fully vaccinated laban sa COVID-19, napapanahon na upang isaalang-alang naman ang pagbabalik hanapbuhay ng mga manggagawa sa nasabing industriya.

Facebook Comments