Palasyo, naniniwalang hindi kinupkop ni Misuari si Abu Sayaff leader Susukan

Naniniwala ang Malacañang na malabong may pananagutan si Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairperson Nur Misuari dahil umano sa pagkupkop kay Abu Sayaff Commander Anduljihad Susukan sa kaniyang bahay sa Davao City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, agad namang ipinagbigay-alam ni Misuari sa mga awtoridad ang pagsuko ni Susukan.

Ipinauubaya naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa korte kung may pananagutan si Misuari.


Una nang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson, Major General Edgard Arevalo na hindi inabisuhan ni Misuari ang militar na nasa kanyang kustodiya si Susukan.

Nabatid na isinilbi kay Susukan ang warrants of arrest para sa murder, five counts ng kidnapping at serious illegal detention at anim para sa frustrated murder.

Si Susukan ay kasalukuyang nasa ilalim ng police custody.

Facebook Comments