Palasyo, naniniwalang hindi naman sinadya ng isang volunteer nurse ang pagkakamali nito sa pagbabakuna

Tao lamang at nagkakamali.

Ito ang reaksyon ng Palasyo sa viral video ngayon kung saan makikita na itinurok lamang ang karayom o heringgila pero hindi naman ito nai-press kaya walang natanggap na bakuna ang isang recipient sa Makati.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, nauunawaan nila ang pagod at walang sawang dedikasyon ng mga healthcare workers na kahit pagod na ay nagtatrabaho pa rin sa layuning mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Sinabi ni Roque na naniniwala ang Palasyo na hindi naman ito sinadya ng volunteer nurse at dala lamang ito ng kanyang pagod.

Magkayunman, tulad ng hiling ni Senate President Tito Sotto III ay agad naman itong inimbestigahan ng Department of Health (DOH).

Ani Roque, tiyak na gagawa ng hakbang ang DOH upang hindi na maulit pang muli ang naturang insidente.

Matatandaang ipinanawagan na rin ng DOH sa vaccination teams na limitahan ang kanilang working hours at palaging mag-reshuffle ng health workers makaraan ang breach sa COVID-19 vaccination protocol kamakailan.

Facebook Comments