Halos 300 land-based at sea-based OFWs, dumating sa bansa kanina mula Riyadh

282 na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Riyadh, Saudi Arabia ang dumating sa bansa kanina sakay ng Philippine Airlines (PAL).

Sila ay land-based at sea-based OFWs na tapos na ang kontrata habang ang iba ay nagbabakasyon lamang.

Sa kanilang pagdating sa NAIA 1, mahigpit na binusisi ng Bureau of Quarantine ang kanilang address para sa posibleng contact tracing.


Isa-isa ring pinatanggal ang kanilang face shield sa pagtapat nila sa thermal scanner para masuri kung mayroon sa kanilang may lagnat.

Wala namang nakitaan ng sintomas ng COVID-19 sa mga dumating na OFWs.

Facebook Comments