Palasyo natanggap na ang ulat hinggil sa Ayungin Shoal incident

Alam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyari sa Ayungin Shoal.

Nitong Martes matatandaang hinarang at binomba ng water cannon ng 3 Chinese Coast Guard vessels ang 2 Philippine supply boats na may dalang food supplies para sa Philippine military personnel na nakabase sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles, agad namang kinondena ng Department of Foreign Affairs ang nasabing insidente.


Aniya, ipagpapatuloy ng pamahalaan ang paglaban sa ating soberenya, sovereign rights at jurisdiction sa ating teritoryo.

Una ng sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin na naiparating na kay Ambassador Huang Xilian ang pagkundena nila sa ginawa ng Chinese Coast Guard.

Pinaalalahanan din nito na ang Ayungin Shoal ay kabahagi ng Kalayaan Group of Island na sakop ng Philippines Exclusive Economic Zone (EEZ).

Facebook Comments