Nilinaw ng Malacañang na hindi sinibak sa pwesto si dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu.
Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pagpupulong sa Cebu na tinanggal na niya ang ilang cabinet members dahil sa korapsyon.
Ayon kay acting Presidential Spokesman Martin Andanar, nagbitiw sa puwesto si Cimatu noong Pebrero dahil sa kanyang kalusugan.
Aniya, naging maganda naman ang pagsasama nila ng pangulo matapos ang matagumpay na rehabilitasyon sa Boracay at Manila Bay.
Samantala, tiniyak naman ni acting Deputy Presidential Spokesperson Kristian Ablan na dadaan sa tamang proseso ang mga opisyal ng pamahalaan na isinasangkot sa korapsyon.
“Mayroon naman tayong mga proseso na pina-follow dito po sa Executive branch. Mayroon po tayong Ombudsman, mayroon din tayong mga abogado sa OSG at mayroon tayong Sandiganbayan. So dadaan naman po tayo sa tamang proseso kung mayroon po talagang proof na may korapsyon na nangyari. So we have to trust our institutions and we have to trust our processes.” ani Ablan