‘New normal,’ target sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte

70

Target ng Malacañang na makabalik ang bansa sa “new normal” bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30.

Ayon kay acting Deputy Presidential Spokesman Kris Ablan, ito ang dahilan kaya sinisikap ng gobyerno na maabot ang 100 porsyentong vaccination rate mula sa target population sa lalong madaling panahon.

“We are going to use everything under our power to achieve 100% vaccination and get back to our new normal before the President steps down on June 30,” ani Ablan


Hinimok naman ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na magpaturok na ng COVID-19 vaccine para magtuloy-tuloy na ang pagbagtas ng bansa sa new normal.

Sa ngayon, umabot na aniya sa 73 porsyentong target population ang mabakunahan na laban sa COVID-19 at hindi titigil ang gobyerno sa vaccination rollout hanggang sa mabakunahan ang lahat ng Pilipino at matiyak ang kaligtasan at proteksiyon laban sa COVID-19.

Facebook Comments