Ipinaliwanag ng Palasyo na kailangan pa ring pumasok sa tripartite agreement ang mga pribadong sektor kapag bibili sila ng bakuna para sa kanilang mga manggagawa.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Presidential Spokesperon Sec. Harry Roque kasunod nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinapayagan na ng pamahalaan ang pagbili ng COVID-19 vaccines ng mga private sectors.
Ayon kay Roque, dahil ang mga bakuna ay Emergency Use Authorization pa lamang ang mayroon, ibig sabihin hindi ito maaaring ibenta commercially.
Sinabi pa nito na alinsunod sa COVID-19 Vaccination Program Act o Republic Act 11525 ang national government ang syang sasagot sa adverse event o negatibong side effect ng mga mababakunahan kung kaya’t mahalaga aniya na ang pagbili ng mga pribadong sektor ng mga bakuna ay nakapaloob sa tripartite agreement.