Nilinaw ng Palasyo na walang umiiral na nationwide moratorium sa pagpapauwi sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang tanging kinansela ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na Hatid Tulong sa mga LSI ay sa Western Visayas, Cebu Island kasama ang Mactan, Eastern Visayas, at Caraga Region.
Paglilinaw pa ng kalihim, tanging health certificates lamang ang requirement para makauwi ang mga LSI sa kanilang mga probinsya.
Depende naman aniya sa Local Government Units (LGUs) kung isasalang sa testing at quarantine ang mga magsisipag-uwiang LSIs.
Sa ngayon, nirerepaso pa ang protocols sa pagpapauwi ng LSIs at posibleng isalang muna ang mga ito sa Polymerase Chain Reaction (PCR) test bago sila makauwi sa kani-kanilang mga lalawigan upang maiwasang maikalat ang virus.