Palasyo, no comment muna sa umano’y Sulu misencounter

Hihintayin na lamang ng Palasyo ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa Jolo, Sulu incident.

Matatandaang sa nasabing “misencounter”, nasawi ang apat (4) na miyembro ng Philippine Army Intelligence Unit matapos nilang makasagupa ang mga pulis.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, no comment muna ang Palasyo hangga’t hindi pa tapos mag-imbestiga ang NBI.


Sinabi pa ni Roque na posible ring bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasawing sundalo, pero tumangging magbigay ng iba pang detalye hinggil dito.

Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsasagawa ng intelligence operations ang mga nasawi nilang tauhan sa Sulu pero hinarang sila ng mga pulis para berepikahin ang kanilang mga pagkakakilanlan.

Tumakas umano ang mga sundalo dahilan upang sila ay paputukan ng mga pulis at mapatay. Sinasabing self-defense lamang ang kanilang ginawa.

Samantala, ipinag-utos na ni Interior Secretary Eduardo Año na disarmahan at ikostodiya ang mga pulis na sangkot sa insidente.

Facebook Comments