Palasyo, paiimbestigahan ang ulat ng pag-bili ng overpriced radar speed guns ng PNP

Nilinaw ng malakanyang na pai-imbestigahan nila ang napaulat na pag-bili ng overpriced radar speed guns ng PNP.

Kasunod ito ng utos ni Pangulong Duterte na tanggalan na ng procurement power ang ahensya.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, lahat ng ulat ng anumang uri ng anumalya at iregularidad ay tiyak na sisiyasatin ng pamahalaan.


Lubha ring ikinagalit ni Pangulong Duterte ayon kay panelo ang naturang procurement ng overpriced radar speed guns.

Mababatid na Sa talumpati ng pangulo sa Taguig City kamakalawa, sinabi niyang sa Davao City ay sampung libong piso lamang ang kada unit ng speed guns, lubhang mas mababa kung ikukumpara sa halos tig-i-isang milyong pisong binili ng ahensya.

Kasabay nito, inilipat na rin ng chief executive kay Interior Secretary Eduardo Año ang procurement power ng PNP.

Facebook Comments