Tahasang kinontra ng Malacañang ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na tila walang namumuno sa bansa habang nakararanas ng krisis ang dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi totoo na hindi sapat ang ginagawang hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Magandang patunay aniya na nagta-trabaho ang pamahalaan ay ang mababang mortality rate bunsod ng mas pinalakas na testing, isolation at treatment capacity ng bansa.
Giit pa ni Roque, madali lang para kay VP Leni na pumuna.
Payo ng kalihim kay Robredo, mas maiging magkaisa na lamang sa panahong ito ng pandemya at isantabi muna ang pamumulitika dahil marami pang pwedeng mangyari hanggang 2022 o sa eleksyon.
Facebook Comments