Palasyo, pinadadagdagan ang mga accredited RT-PCR laboratories

Inatasan na ng Palasyo ng Malacañang ang Bureau of Quarantine (BOQ) at Department of Transportation (DOTr) na dagdagan pa ang mga accredited RT-PCR laboratories.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson CabSec. Karlo Nograles, ito ay upang mapabilis ang paglalabas ng COVID-19 test results para sa mga umuuwing Pilipino.

Samantala, sinabi naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na ang pagdami ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa ay dulot ng delay sa paglalabas ng resulta ng mga test.


Sa kasalukuyan, kinakailangang magpakita ng negative RT-PCR test result ang uuwing fully vaccinated na Pilipino mula sa red list countries at kinakailangang makumpleto ang 14 na araw na quarantine period.

Facebook Comments