Nanawagan ang Malacañang sa publiko na huwag nang maging pihikan sa brand ng Coronavirus vaccines.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos piliin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Sinopharm vaccine.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaalam na nila kung pwedeng magamit ang Chinese-developed vaccine sa Pangulo sa ilalim ng compassionate use permit.
Kung sakaling hindi ito pwede, pagpapasyahan nila si Pangulong Duterte kung nais niyang magpabakuna gamit ang iba pang bakunang gawa ng China tulad ng Sinovac.
Pero bilang isang abogado, tingin ni Roque pwedeng ipagamit sa Pangulo ang Sinopharm sa ilalim ng compassionate license.
Sa ngayon, ang Sinopharm ay hindi pa nag-a-apply ng emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Pinayagan ng FDA ang compassionate use ng Chinese-made vaccine matapos itong hilingin ng Presidential Security Group (PSG).