Palasyo, pinalagan ang sinasabi ng ilang kritiko ni PRRD na ginagamit lamang nito ang COVID-19 para makapag deklara ng Martial Law

Mariing pinabulanan ng Palasyo ng Malakanyang na ginagamit lamang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang COVID-19 crisis na basehan sa pagdedeklara nito ng batas military.

Ayon kay Presidential Spokespersom Atty. Harry Roque hindi nagsasamantala ng kanyang kapangyarihan ang Pangulo dahil ang palaging batayan nito ay ang Saligang Batas .

Sa ilalim ng 1987 constitution, maaaring magdeklara ng Martial law ang Pangulo kapag mayroong invasion, rebellion o kapag nakasalalay ang public safety.


Kamakailan nagbabala si Pangulong Duterte na magdedeklara ng Martial Law kapag nagpatuloy ang NPA sa pag atake sa tropa ng militar na naghahatid lamang ng tulong sa mga malalayong komunidad.

Matatandaang nagdeklara ng batas militar ang Pangulo nuong 2017 sa Mindanao dahil sa pananakop ng teroristang grupo na ISIS na nagtapos naman nuong Disyembre ng nakalipas na taon.

Facebook Comments