Palasyo, pumalag sa naging pahayag ni Gov. Mamba na walang ginagawa ang mga guro kasunod ng pagpapatupad ng blended learning

Hindi sumang-ayon ang Palasyo sa naging pahayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba na marapat lamang bawasan ang sweldo ng mga guro dahil wala naman silang ginagawa.

Ito ay sa kabila ng ipinatutupad ngayong blended learning kung saan walang face-to-face classes dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, mali ang pananaw ni Gov. Mamba at sa katunayan ay nagpapasalamat sila sa mga guro dahil nakasalalay sa mga ito ang tagumpay ng blended learning.


Samantala, sinabi naman ni Education Sec. Leonor Briones na hindi porket nahuli ang school opening ngayong taon ay nagpaka-petiks lang ang mga guro.

Sa katunayan, sumailalim ang mga ito sa training para sa blended learning habang ang mga master teachers ay gumawa ng modules at ang kanilang mga superintendents ay palagiang nagre-report at nagkikita para magkaroon ng learning continuity program.

Ang nasabing pahayag ni Gov. Mamba ay umani ng negatibong kumento sa publiko dahil maituturing anila itong insulto sa mga teachers dahil sa kabila ng kanilang pagpupursige na maturuan ang mga estudyante ay may nasasabi pang ganitong kumento ang naturang opisyal.

Facebook Comments