Palasyo, rumesbak sa mga kritikong nagbubunyi sa pagkakaantala ng bakuna

Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi magtatagal ang pagdiriwang ng mga kritiko sa pagkakaantala ng pagdating ng mga bakuna sa bansa.

Ito ang banat ng Malacañang kasabay ng inaasahang pagsisimula ng vaccine rollout matapos magbigay ang Food and Drug Administration (FDA) ng go signal para sa emergency use ng Sinovac vaccines sa bansa.

Pero aminado si Roque na naantala ang pagsisimula ng immunization program dahil sa mga isyung may kinalaman sa indemnity at regulatory approval.


Gusto ng mga drug manufacturer ng indemnity deal bago ipadala ang mga supplies sa bansa dahil nais nilang protektahan ang kanilang interes.

Malaya aniyang sabihin ng mga kritiko ang kanilang gustong ihayag pero aarangkada na ang vaccination program.

Aabot sa 600,000 Sinovac vaccines mula China ang inaasahang darating sa Pilipinas sa mga susunod na araw.

Facebook Comments