Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na maibibigay ang P500 na cash assistance sa mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar, utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Finance Sec. Carlos Dominguez na gawin ang lahat ng paraan para makakuha ng pondo.
Mula kasi sa orihinal na P200, ipinag-utos kagabi ng pangulo na gawin itong P500.
Ani Andanar, kailangang makabuo ng P500 sa kada benepisyaryo ng 4Ps at sinabi rin ng presidente na ang susunod na administrasyon na ang mangangasiwa at bahala kung papaano ito mababayaran.
Sa ngayon, habang wala pang pondo para dito, pinaplantsa na ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) ang guidelines nang sa ganon, kapag naibaba na sa kanila ang pondo ng Department of Budget and Management (DBM) ay mabilis itong maipapamahagi sa mga benepisyaryo.