Palasyo, sinigurong bantay sarado ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa kasunod nang muling pagtaas ng inflation rate

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na binabantayang maigi ng pamahalaan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, dadagdagan pa ng pamahalaan ang pagsusumikap nito para matugunan ang patuloy na pagsirit ng mga pangunahing bilihin sa bansa.


Kabilang sa government interventions ay ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga lubos na apektado, pagtutuloy ng service contracting na siyang daan para sa pagpapatupad ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, pinalawig din ang MRT-3 free rides hanggang sa Hunyo 30 at ang pag-apruba sa umento sa sahod.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority, umakyat pa sa 5.4% ang inflation nitong Mayo kumpara sa 4.9% inflation nuong buwan ng Abril.

Facebook Comments