Palasyo suportado ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Ombudsman sa umano’y iregularidad sa SEA Games

Maaaring magsagawa ng motu propio investigation ang Office of the Ombudsman hinggil sa umano’y anomalya sa 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, kahit na walang complainant ay maaaring magsagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman sa anumang isyu ng iregularidad.

Una nang sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na bumuo na siya ng fact-finding panel para imbestigahan ang sinasabing korapsyon sa SEA Games kung saan kinumpirma din nito na damay sa imbestigasyon si Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman House Speaker Alan Peter Cayetano.


Kasunod nito sinabi ni Panelo na may tiwala pa rin si Pangulong Duterte kay Speaker Alan Cayetano sa kabila nang pagkakakaladkad ng pangalan nito sa SEA Games anomaly.

Paliwanag ni Panelo, silang mga abugado ay naniniwala sa “presumption of innocence” kung saan ang isang indibidwal na inaakusahan ay maituturing na inosente hanggang hatulang guilty ng korte.

Facebook Comments