Palasyo, suportado ang pansamantalang pagpapatigil ng pagpapadala ng OFWs sa Israel

Suportado ng Palasyo ang naging pahayag ni Labor Sec. Silvestre Bello III na pansamantalang suspensyon sa pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, numero unong layunin ng gobyerno ay mapangalagaan at matiyak na ligtas ang ating mga kababayan.

Sa ngayon ani Roque, pinaghahandaan ng pamahalaan ang posibleng repatriation ng ating mga kababayan sa Israel kung kaya’t tama lamang na huwag munang magpadala ng mga bagong batch ng OFWs doon.


Una nang sinabi ni Sec. Bello na temporary lamang ang suspensyon sa pagpapadala ng mga OFWs sa Israel at wala tayong ipinatutupad na deployment ban.

Ito ay bunsod na rin ng nagpapatuloy na tensyon at kaguluhan sa Israel dahil sa sagupaan ng Israeli forces at Palestinian-backed Hamas.

Facebook Comments