Tumanggi ang Palasyo ng Malakanyang na idetalye pa ang naging pag-uusap sa telepono kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, ang tanging mabibigay niyang impormasyon ay naging cordial o warm & friendly ang 18-minute conversation ng dalawang pinuno ng bansa at sumentro ito sa bilateral cooperation kung papaano matutugunan ang COVID-19 pandemic.
Binanggit pa nito na inisyatibo ng US government ang nasabing phone call.
Maliban ditto, wala, aniya, siyang otoridad para isapubliko ang ilan pang napag-usapan nila President Duterte at President Trump.
Umaapela naman ng pang-unawa si Roque sa publiko dahil sa umiiral na confidentiality of diplomatic communications.
Facebook Comments