Palasyo, tinawag na murderer ang gobyerno ng Iceland

Hindi maunawaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit tila concerned ang Iceland sa umano’y paglabag sa karapatang pantao ng Duterte Admin gayong sila naman itong may batas na legal ang abortion.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dito galit na galit si Pangulong Duterte dahil mas maituturing pa silang murderer.

Paliwanag ni Panelo, maraming pulis ang namamatay sa paggampan sa kanilang tungkulin lalo na kung ang mga hinahainan nila ng warrant of arrest ay sangkot sa illegal na droga.


Sa datos ng PNP pumalo na sa 6 na libong mga pulis ang nasawi dahil sa gyera kontra illegal na droga.

Nanindigan pa ang Palasyo na ginagawa lamang ng mga alagad ng batas ang kanilang tungkulin kung kaya’t hindi ito dapat pakialaman ng ibang bansa.

Hinahamon din ng tagapagsalita ng Palasyo ang mga kritiko nito na maglabas ng katunayan o ebidensya na aabot na sa 20,000 ang nasawi sa war on drugs ng Duterte Admin.

Facebook Comments