Pahayag ni US Senator Marco Rubio, tinawag na bogus at walang batayan ng Palasyo

Muling binanatan ng MalakaƱang si United States Senator Marco Rubio kaugnay ng panawagan nitong palayain na si Senadora Leila De Lima dahil gawa-gawa lamang ng administrasyon ang mga kasong inihain laban sa Senadora.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang pahayag ni Rubio ang bogus at walang batayan.

Iginiit ni Panelo na dumaan sa proseso ang mga kasong kinahaharap ni de Lima.


Una na rito ang pagde-demanda, pagsasagawa ng preliminary investigation at pagsusumite ng ebidensya ng magkabilang panig bago tukuyin ng prosekusyon na may probable cause ang kaso at maglabas ng Warrant of Arrest.

Kaugnay nito, muling binigyang-diin ng kalihim na talagang ayaw ni Pangulong Duterte na magtungo sa Estados Unidos dahil hindi nito gusto ang klima doon.

Mababatid na sa isang tweet, ipinanawagan ni Rubio na palayain na si de Lima na kilalang kritiko ng war on drugs ng administrasyon dahil bogus lamang umano ang charges laban dito.

Facebook Comments