Maituturing na “wishful thinking” ang panawagan ni retired Justice Antonio Carpio na magbitiw na sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kasunod ng sinabi ni Carpio na mali ang claim ng Pangulo nang sabihin nito na mayroong kinalaman si Carpio sa pagpapa-atras ng Navy ships ng Pilipinas sa Scarborough Shoal, noong nagkaroon ng “stand-off” sa pagitan ng bansa at China, sa ilalim ng Aquino administration.
Ayon kay Secretary Roque, hindi naman inakusahan ng Pangulo si Carpio na sangkot sa pagpapaalis ng Philippine Navy noon.
Kaugnay nito, muling binigyang diin ng kalihim ang kaniyang kahandaan na humarap kay Carpio para sa kanilang debate.
Ayon sa kalihim, ang dapat na pagdiskusyunan sa debateng ito ay mga factual na paksa, kabilang ang mga polisiya ni Pangulong Duterte sa West Philippine Sea.