Palasyo, tiniyak na hahanapin ni Pangulong Duterte ang opisyal na lumalakad sa pagpapalaya sa drug queen na si Yu Yuk Lai at anak nito

Manila, Philippines – Paiimbestigahan ng Malacañang ang isa umanong opisyal ng Pamahalaan na umaarbor sa mag-inang Yu Yuk Lai at Dianne Uy na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng balitang inilalakad ng ilang personalidad o grupo na mabigyan ng presidential pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tinaguriang drug queen na si Yu yuk Lai.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ngayon pa lamang ay sigurado siyang hindi mangyayari ang iniisip ng sinomang opisyal ng pamahalaan.


Tiniyak ni Roque na ipahahanap ni Pangulong Duterte ang sinasabing opisyal na umaarbor sa mag-ina at tiyak na pananagutin ito.

Matatandaan na ilang beses naring sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang sisinuhin maging ang kanyang mga kamaganak pagdating sa issue ng iligal na droga at katiwalian.

Facebook Comments