Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi mapupunta sa katiwalian ang pondong ilalaan ng pamahalaan para sa mga magsasaka ng bigas at rice farming industry sa bansa sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.
P10 bilyong piso kasi ang ilalaan ng Pamahalaan kada taon sa loob ng 6 na taon para sa pagpapaganda ng industriya ng pagtatanim ng bigas at para sa kapakanan ng mga magsasaka.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential spokesman Secretary Salvador Panelo, kilala si Pangulong Duterte na matigas sa paglaban ng katiwalian sa Pamahalaan.
Sinabi ni Panelo na zero tolerance si Pangulong Duterte sa usapin ng katiwalian kaya makatitiyak ang publiko na walang masasayang sa pondo ng taumbayan.
Binigyang diin din ni Panelo na patuloy na isusulong ni Pangulong Duterte ang transparency at accountability ng pamahalaan.