Manila, Philippines – Manila, Philippines – Tiniyak ng palasyo na hindi magdedeklara ng martial law sa Metro Manila si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pag-atake sa Resorts World Manila na ikinasawi ng 38 na indibidwal.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi rebelyon o invasion ang naganap na insidente batay sa konstitusyon sa halip ay maituturing itong criminal act.
Sinabi pa ni Abella, nagsagawa na rin ang imbestigasyon ang pambansang pulisya kung saan napag-alaman na walang pinatay na sibilyan ang suspek sa pag-atake bagama’t pinagbabaril nito ang mga led televisions sa casino, sinunog ang mga mesa at nagnakaw ng gambling chips namay halagang P113-m bago niya pinatay ang sarili.
Inihayag na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang kinalaman ang trahedya sa Islamic State sa kanyang pagbisita sa Cagayan de Oro noong Sabado.
DZXL558