Veronica funeral parlor, mariing pinabulaanan na pinipigilan nilang mai-release ang mga bangkay ng mga biktima ng insidente sa Resorts World sa mga claimant na pamilya

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ng Veronica funeral parlor na pinipigilan nilang mai-release ang mga bangkay sa mga claimant na pamilya.
Sa kanilang pahayag, iginiit ng Veronica na nakapag-labas na sila ng anim na bangkay mula sa nangyaring pag-atake sa Resorts World nang walang binayaran ang mga kaanak.
Tiwala naman daw sila sa pangako ng Resorts World na sasagutin ang lahat ng bayarin sa lalong madaling panahon.
Giit ng management ng punerarya, nagkakaroon lang ng delay sa release ng mga bangkay dahil sa mandatory medico legal process.
Ang iba namang biktima ng sunog ay dinala naman sa Rizal funeral parlor na ilang hakbang lang ang layo mula sa gusali ng Veronica.

DZXL558

Facebook Comments