Palasyo, tiniyak na maigagawad ang hustisya sa pagkamatay ng OFW na si Mary Anne Daynolo

Siniguro ng Palasyo na mabibigyang katarungan ang pagkamatay ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Anne Daynolo.

Si Daynolo ay unang ini-report bilang missing sa kanyang pinagtatrabahuhang island resort sa Abu Dhabi noong Marso pero kalauna’y inamin ng suspek na pinatay niya ang biktima.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, tumulong ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pagsasagawa ng otopsiya sa mga labi ni Mary Anne.


Sinagot din ng OWWA ang gastos sa pagpapauwi sa mga labi nito sa Pilipinas maging ang gagawing pagpapalibing dito.

Makakatanggap din aniya ang naulilang pamilya ni Mary Anne ng financial at death benefits pero ang sentro muna sa ngayon ay mapanagot ang nasa likod ng pagpatay rito.

Nabatid na nagsasagawa na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng re-autopsy sa katawan ng biktima.

Facebook Comments