Palasyo, tiniyak na nakatutok sa sitwasyon sa Taal Volcano

Tiniyak ng Malakanyang na mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon sa mga lugar malapit sa Taal Volcano, na nasa ilalim ng Alert Level 3.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, kumikilos na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mga regional counterpart at mga Local Government Unit (LGU) sa pagpapatupad ng mga kinakailangan hakbang gaya ng pag-evacuate sa mga apektadong residente.

Aniya, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mayroong Quick Response Teams at naka-standby na stockpile ng mga pagkain at non-food items.


Nanawagan naman ang Malakanyang sa lahat ng mga residente at mga apektadong barangay at komunidad na manatiling naka-alerto at mapagbantay para sa anumang development sa lagay ng Taal Volcano.

Facebook Comments