Publiko at gobyerno, hindi dapat maging kampante sa harap ng pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19

Nakakatuwa at nakapagbibigay ng pag-asa para kay Senator Sonny Angara ang patuloy na pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Gayunpaman, iginiit ni Angara sa gobyerno at sa publiko na huwag maging kampante at sa halip ay ipagpatuloy ang mahigpit na pagsunod minimum safety protocols.

Diin ni Angara, tayo ay nasa gitna pa rin ng pandemya kaya dapat ay mag-ingat pa rin tayo at magpabakuna na sa mas madaling panahon.


Ayon kay Angara, kahit tumataas ang supply ng COVID-19 vaccine na dumadating sa Pilipinas ay marami pa rin ang hindi pa nababakunahan.

Dahil dito ay nakikiusap si Angara sa mamamayan na magpabakuna na dahil napatunayan na nakakapagligtas ng buhay ang mga bakuna.

Facebook Comments