Palasyo tiniyak na patuloy na babantayan ang inflation rate sa bansa

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang patuloy na pagbaba ng inflation rate sa bansa kung saan ay naitala ito sa 5.1% noong nakaraang buwan base na rin sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Nabatid na ito ang pinakamababang inflation rate na naitala mula noong June ng nakaraang taon na nasa 5.2%

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, malaki ang naitulong sa pagbaba ng inflation rate ng mga ipinatupad na kautusan ni Pangulong Duterte particular ang Administrative Order Number 13 na nagpapadali ng proseso ng importation ng mga agricultural products.


Mayroon din aniyang Memorandum Orders number 26-27-28 na nakatulong sa pagpapatatag ng presyo ng mga agriculture at fishery products sa bansa at matiyak ang supply nito sa mga pamilihan.
Tiniyak din naman ni Panelo na hindi magpapaka-kampante ang pamahalaan sa harap ng naitalang mababang inflation rate at gagawin ang lahat upang ito ay mapababa pa at mapanatiling mababa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapagaan ang buhay ng ating mga kababayan.

Facebook Comments