Tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ligtas ang kanilang kontribusyon.
Ito ay kahit pa isailalim sa re-organization ang ahensya.
Ayon kay Roque, sakali mang bubuwagin o ipa-privatize ang PhilHealth dahil sa corruption, hindi papayagan ng pamahalaan na mawala ang kontribusyon ng mga miyembro nito.
Paglilinaw ni Roque, kahit mare-organize ang PhilHealth, may transitory provision naman na nakasaad sa batas na hindi maaaring baguhin.
Nabatid na ilang miyembro ng PhilHealth ang nangangambang magpatuloy sa paghuhulog sa kanilang kontribusyon dahil na rin sa mga natuklasang iregularidad sa ahensya.
Facebook Comments