Palasyo, tiwalang maaabot ang 500,000 vaccine jabs per day

Kumpiyansa ang Malacañang na kayang maaabot ng gobyerno ang kalahating milyong pagbabakuna sa isang araw kontra COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, marami na ang dumarating na supply ng COVID-19 vaccine at magagamit na ito sa mas maraming target population ng bansa.

“As of June 22, 2021, halos siyam na milyon or 8,928,249 doses ang na-administer sa buong bansa. At noong Martes nga po, June 22, nasa 336,843 total doses ng COVID-19 vaccines ang ating na-administer. Kaya inaasahan na maabot natin ang 500,000 daily vaccination rate natin sa target,” ani Roque.


Tiniyak din ni Roque na on track ang gobyerno na maabot ang population protection sa huling bahagi ng taon at maabot ang tinatawag na containment sa COVID-19.

Facebook Comments