Pagpapanatili ng mandatory na pagsusuot ng face shield, dinipensahan ng Palasyo, DOH, OCTA

Suportado ng OCTA Research Group ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Durterte na manatili ang pagsusuot ng face shiled sa loob at labas ng mga establisyimento.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, tiwala siya sa mga pag-aaral na inirekomenda ng eksperto sa Pangulo.

“Although hindi namin nasuri nang husto iyong pag-aaral na ginawa ng mga eksperto, ibig sabihin we took it at face value na iyong ginawa nilang pag-aaral ay may basis and sinu-support namin iyong desisyon ng Pangulo na ipatupad muna iyong pagsusuot ng face shield sa ngayon,” ani David.


Iginiit naman ni Dept. of Health (DOH) Disease Prevention and Control Bureau Director Dr. Beverly Ho, ang mga polisiya ng pamahalaan ay may gabay mula sa siyensya at mga opinyon ng medical experts.

Nababawasan aniya ang transmission ng COVID-19 kapag gumamit ng face shields.

“With this, we assess the whole totality of evidence and not a piecemeal type, wherein we will look for one article and that would represent the so-called evidence. There is a process. Our experts are using that process so that we are fair,” anang Dr. Ho.

Itinanggi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagkakaroon ng “kickback” sa pagbebenta ng face shields.

Aniya, ang face shield ay nagbibigay ng dagdag proteksyon laban sa COVID-19.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque Jr. na ang deisyon ng pangulo ay dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

Facebook Comments