Palasyo, tiwalang mapapasa ang panukalang federalism

Buo pa rin ang tiwala ng Malacañang na maipapasa pa rin ang panukalang Federal Form of Government sa nalalabing termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – ang pag-amyenda sa konstitusyon para ipakilala ang federalism ay mangyayari lamang sa pamamagitan ng constitution convention matapos hindi magkasundo ang Kamara at Senado sa pag-convene sa constituent assembly.

Naniniwala si Panelo na uusad ang pederalismo kahit mayroon na lamang huling tatlong taon ang Pangulo sa kanyang termino.


Matatandaang hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas na amiyendahan ang konstitusyon para mapabuti ang sitwasyon ng bansa kung hindi na interesado ang mga ito na isulong ang pederalismo.

Facebook Comments