Mas mainam na hindi alam ng nakararami kung ano ang mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang pahayag ng Malacañang kasabay ng paghihigpit sa official schedule ng Pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang kanilang desisyon ay alinsunod sa confidentiality rule.
Aniya, ang schedule ng Presidente ay ikinokonsiderang “secret information.”
Gayunpaman, iginiit ni Roque na hindi nila itinatago ang estado ng kalusugan ni Pangulong Duterte.
Mismong si Pangulong Duterte na ang mag-uulat sa bayan kung mayroon siyang seryosong karamdaman alinsunod na rin sa Konstitusyon.
Matatandaang isiniwalat ni Pangulong Duterte sa huli niyang public address na sinabihan siya ng doctor na malapit nang umabot sa stage one cancer ang kanyang Barrett’s esophagus.