Manila, Philippines – Umaasa ang Palasyo ng Malacañang na matutupad ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang kanyang sinabi na mabilis na reresolbahin ang problema sa tone-toneladang basura na ipinadala ng Canada dito sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, batay sa kwento ni Pangulong Rodrugo Duterte ay sinabi ni Trudeau sa kanya na maaari nang maibalik ang mahigit 100 container van ng basura sa Canada.
Kahapon sa press briefing ni Trudau sa International Media Center ay sinabi nito na ginagawan na nila ng aksyon ang problema para matapos na ito.
Nakaroon lang kasi aniya ng problema sa teknikalidad ng proseso dahil hindi ito governmet to government transaction kayat hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik ang mga basura.
Palasyo, umaasang hindi mababali ang pangako ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na maibabalik na sa Canada ang tone-toneladang basura
Facebook Comments