Palasyo, umaasang mareresolba ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine sa mapayapang pamamaraan

Umaasa ang Malacañang na lahat ng partidong involve sa tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine ay gagamitin pa rin ang mga mapayapang paraan upang maresolba ang mga usapin sa kasalukuyan.

Pahayag ito ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles kasunod ng sinabi ni US President Joe Biden na naniniwala ito na nagdesisyon na ang Russia na lusubin ang Ukraine at posibleng mangyari ito sa mga susunod na araw.

Ayon kay Secretary Nograles, ang pamahalaan naman at si Pangulong Rodrigo Duterte ay naghahanda anuman ang mga susunod na mangyayari.


Kinakausap na aniya ng pangulo ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na mayroong kinalaman sa mga posibleng kahinatnan ng tensyon.

Halimbawa aniya ang security, justice, at peace cluster ng bansa ay kinakausap na ng pangulo maging ang Department of Energy (DOE) at Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa usapin ng epekto nito sa presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments