Palasyo, umaasang mareresolba pa sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan ang isyu hinggil sa mga hindi pa nababayarang sweldo ng mga OFW sa KSA

Wala pang tugon si Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magpatupad na ng deployment ban sa Kingdom of Saudi Arabia.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasunod nang naka-ambang tigil deployment ng mga Overseas Filipino Worker o OFW sa Saudi na kilalang isa sa mga bansang maraming Filipino na nagtatrabaho.

Nag-ugat ang nasabing rekomendasyon matapos lumabas sa ulat na aabot sa mahigit 9,000 OFWs sa KSA ang hindi pa rin nakatatanggap ng sweldo sa nakalipas na ilang buwan.


Ayon kay Roque, umaasa pa rin ang Palasyo na sana’y maresolba ang gusot sa pamamagitan ng maayos at diplomatikong pamamaraan.

Nabatid na sa susunod na lingo, lilipad pa Saudi si Sec. Bello at iba pang opisyal ng Department of Labor and Employment o DOLE upang pag-usapan ito sa pagitan ng Saudi government.

Facebook Comments