P440 million na advance payments ng DPWH sa mga contractor, hindi pa nakokolekta

Nasa P440 million na advance payments sa mga contractor sa infrastructure projects ang hindi pa rin nakokolekta ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Sa budget deliberation sa Senado, sinabi ni DPWH Assistant Secretary Marichu Palafox na sa P681.9 million na budget, P241-M pa lang ang nabawi ng ahensya.

Ayon kay Palafox, nahihirapan silang bawiin ang advance payments dahil sa kabiguan ng mga contractor na magsumite ng kanilang final billings sa kabila ng kanilang mga written request.


Una nang sinabi ng Commission on Audit o COA na nasa P681.95-M ang advance payments ng DPWH sa mga contractor ng 414 infrastructure projects kung saan ang ilang proyekto ay natapos habang ang iba ay nakansela.

Facebook Comments