Nanganganib na mapinsala ang mga palayan at maisan sa hilagang Luzon dahil sa bagyong Ramon.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) – aabot sa higit 300,000 ektaryang palayan at halos 70,000 ektarya ng taniman ng mais ang pinangangambahang masira.
Tinukoy ng DA ang mga pananim sa Abra, Apayao, Aurora, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Mountain Province at Quirino.
Aabot sa 66 ektarya ang malapit nang anihin habang nasa higit 1,000 ektarya ang sumisibol o namumulaklak na.
Payo ng DA ang mga magsasaka, kung kaya nang anihin ang mga palay at mais ay gapasin na ang mga ito.
Facebook Comments