PalengQR plus o paggamit ng e-wallet sa mga palengke, suportado ni PBBM

Buo ang suporta ni Pangulong Bongbong Marcos sa isinusulong na paggmit na rin ng e-wallet sa mga palengke o PalengQR plus.

Ito ay sa harap na rin ng pagsisikap ng administrasyon na mapalakas ang digital infrastructure sa bansa sa pamamagitan na rin ng paggamit ng QR code at maibaba ito hanggang sa mga palengke.

Dahil dito ayon sa pangulo ay gusto niyang mabigyan ng edukasyon ang mga Pilipino sa paggamit ng e-wallet at iba pang digital payment apps.


Magbibigay aniya ito ng mas masiglang takbo ng ekonomiya lalo’t kabilang sa kalakalan sa palengke ang mga micro, small at medium enterprise o MSMEs.

Nagpapatuloy naman ang iba’t ibang team mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP na nag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nagsasagawa ng information and education campaigns kaugnay sa PalengQR PH Plus na una ng inilunsad noon pang 2022.

Facebook Comments