Paligid ng Camp Crame, isinailalim sa disinfection

Nagsagawa ng disinfection ang mga tauhan ng Philippine National Police o PNP Headquarters Support Service sa Kampo Crame.

Bahagi pa rin ito ng hakbang ng liderato ng PNP para labanan ang pagkalat ng sakit na dulot ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Una nang nagpatupad sa Camp Crame ang “No Facemask, No Entry” policy sa lahat ng pumapasok sa kampo at inaasahang ganito rin ang gagawin sa iba pang mga tanggapan ng PNP nationwide.


 

Mahigpit ding ang ginagawang inspeksyon sa lahat ng mga pumapasok sa pamamagitan ng pagkuha ng body temperature gamit ang mga thermal scanners.

Una nang inihayag ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa na mahigpit ang ginagawa nilang pag-iingat laban sa COVID-19 kaya’t umaapela sila sa publiko na sundin ang mga inilatag na hakbang para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments