MRT-3, naglagay na ng mga paalala ukol sa ‘social distancing policy’ sa lahat ng istasyon nito

Naglagay na ang MRT-3 ng mga paalala ukol sa ‘social distancing policy’ sa lahat ng istasyon nito bilang tugon sa pagpapatupad ng general guidelines na inilatag ng Department of Transportation (DOTr) kontra sa COVID-19.

Kinakailangang magkaroon ng isang metrong distansya ang mga pasahero sa bawat isa.

Lilimitahan na ang bilang ng mga pumapasok at sumasakay na pasahero sa mga platform.


Dahil dito, humingi ng pang-unawa ang MRT-3 Management sa mga sumasakay sakaling mahaba ang pila sa mga istasyon.

Pinapayuhan ang mga pasahero planuhin ng mas maaga ang kanilang gagawing pagbiyahe upang makaiwas sa abala na maidudulot nito sa kanila.

Facebook Comments