Seguridad para sa pagtatapos ng Ramadan, mahigpit na tinututukan ng Taguig-PNP sa Blue Mosque

Todo ang ginagawang pagbabantay ng Taguig Philippine National Police (PNP) sa paligid ng Blue Mosque sa Taguig.

Ito’y dahil pa rin sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslim.

Bantay-sarado ang paligid ng Blue Mosque upang matiyak na rin ang kaligtasan ng mga tutungo rito para sa nasabing pagtitipon.


Pinangunahahan ng Southern Police District (SPD) ang paglalatag ng mga check point sa ilang mga kalsada lalo na sa harapan mismo ng Blue Mosque.

Samantala, inaasahan naman na libu-libong mga Muslim na ang nakikibahagi sa morning prayer na sinimulan kaninang madaling araw.

Facebook Comments