Manila, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week, nagsagawa ng paligsahan sa pagandahan ng paglikha ng crated bonsai ang Bureau of Jail Management and Penology na gawa mismo mga inmates.
Ayon kay Jail director Deogracias Tapayan, ang crafted bonsai decor ay bahagi ng programa ng BJMP sa layuning may pagkaabalahan at pagkakitaan ang mga inmates ng BJMP.
Ang mga bonsai na gawa sa mga recyclable material at beads ay manomanong binuo ng mga inmates.
Ang mga recyclable at beads bonsai ay galing pa sa 17 BJMP regional offices na may 58 submitted entries.
Facebook Comments